Greatest fear

To see you back with your ex or to see you with somebody else. Either way it will surely kill me

Di ko inaasahan.. :)

Na maiinlove pa ako ulit. Yung una kong nagustuhan si Cheska. Denial pako nasabi ko nga “hindi, baka gusto ko lang siya. Ay! Hindi, ah ewan” Nakakatawa kasi siguro natakot ako na magustuhan ko siya at mahulog sakaniya. Ilang beses na kasi akong nahulog, oo sinalo nga ako pero binitiwan rin. Ewan ko di ko maamin sa sarili ko duwag na kasi talaga ako eh kinain ako ng takot. Buti nalang.. Dumating yung isang gabi na ayun nag night out ako. Akalain mo nga naman? Nalasing ako at ano? Tinawagan ko si Cheska at sinabi kong mahal ko siya. Wow lakas ng tama! Ahh hahaha nakakatawa pero ganun na eh. Sabi kasi nila nawawala takot mo pag lasing ka ayun tuloy. Kaya ngayon. Sa bagong pag-ibig ko ngayon na si Cheska. Salamat sa’yo.. Kasi ikaw lang nag padama sakin ng ganito na may halaga talaga ako. Wag ka mag alala. Di mo kailangan matakot. Di mo kailangan mag duda. Kasi ako nag sasabi sa’yo buong buong mahal kita, ikaw lang. :’)

Sana ang pagmamahal ay parang pagsusulat gamit ang isang lapis, na kapag nagkamali ka at gusto mong makalimot, hanapin mo lang yung pambura. Nagkamali kasi ako, bolpen ang ginamit ko. Pero ayos lang pinunit ko na yung pag kakamaling yun at nag sulat ng bago gamit na ang lapis :)

Sa pag-ibig, nadapa na’ko, hindi lang isa o dalawang beses, maka-ilan na’rin. Tuloy-tuloy lang ang buhay di’ba? Para namang may magagawa ka kung ayaw na sayo nung tao ano? Pero bakit sa paglipas ng panahon, kung kailan magaling na ang mga sugat, kung kailan ayos ka na, kung kailan inakala mo hindi ka na masasaktan muli, ulit-ulit lang din na nangyayari ang pinakamasakit na bagay sa mundo. Handa ka na ulit masaktan. Pero minsan ba naisip mo na nakakasama na? Nako ako wag niyo akong tanungin.

Bakit ka ba nagmamahal?

 Lahat tayo ay may hinahangaan, may mga “gusto”, o di naman kaya “tipo”. Nandyan ang “trip mo”, ang “crush mo”. Pwede rin kayang yung “lolokohin mo”. Itanong mo sa sarili mo, Bakit ka ba nagmamahal?

Mayroon tayong kanya-kanyang pamantayan ng pagmamahal. Dahil ba magaling siya sumayaw? Dahil birit ang boses niya sa pagkanta? Dahil gwapo s’ya? O maganda? O dahil sobrang lakas ng dating n’ya? Hindi man maituturing na pilit, pero may mga tao talagang sadyang nabibighani sa iba’t-ibang talento na pwede nating ipamalas. Pero sa totoo lang, maswerte ang mga taong nagmamahal hindi dahil sa kung ano ang kaya nating ihain sa kanilang harapan. May mga bagay na hindi nakikita ng mga ‘bulag’ nating mga mata, mga immateryal na bagay na hindi nakikita ng normal nating mga paningin. Ni hindi mo kayang tikman gamit ang iyong panlasa, pero masasabi mong masarap. Mga bagay na hindi mo naririnig pero kiliting kiliti ang mga tainga mo. Ganito dapat ang mga nagmamahal. Hindi sukatan ang pisikal na manipestasyon para masabi mong mahal mo ang isang tao. Sapat ba ang “atraksyon” bilang ikaw ay nagmamahal ng tunay?

Masarap magmahal dahil, mahal mo lang, tapos. Kailan pa nagkaroon ng pakialam ang ibang tao kung sino ang pipiliin mong ibigin? Ang mahalaga, natututunan n’yong unawain ang isa’t-isa, huling-huli mo ang kahinaan nya. Ibigay mo lahat, kahit parehong kaliwa ang kanyang mga paa, kahit mapurol ang kanyang isip, kahit ikaw lang ang nakakaintindi sa kanya. Samahan mo siya sa bawat problemang darating, nang sa ganoon ay kabaro ka n’ya sa bawat masasayang ala-ala na kanyang tatahakin. Parehas kayong magiging masaya. Yun naman ang mahalaga di’ba? Wala naman talagang sukatan sa pag-ibig! Ikaw at ikaw lang ang may alam kung sino ang iyong nais mahalin. Kaya’t kung sigurado ka na kung sino ang gusto mo, wag mong pakawalan. Ang laki ng mundo para maghanap ka pang muli.

Tama ba? O nahihiwagaan ka? Kung hindi abot ng rurok ng iyong imahinasyon ang aking mga pahiwatig, mas mabuting hilamusan ng malinaw na tubig ang iyong mga mata. Ganito ang umibig ng tunay. Gumising ka na, dahil kapag natutunan mo kung papaano laruin ang pag-ibig, di ka mabibigo. Maaring masaktan tayo, pero masasabi mong bayad na yung sugat na natamo mo.

 Ilang beses na akong nadulas, nadapa, nauntog, pero eto pa’rin ako, buong-buo. Kailan man hindi ko isinisi sa pagkakataon ang mga bagay na aking naranasan. Napagtanto ko na itong gulong na buhay ay totoo ngang paulit-ulit lang. Kaya kung hindi mo makukuha ang teknik upang laruin ang iyong tadhana, sigurado akong matatalo ka ulit. Wag kang magpakatanga, para saan pa’t biniyayaan ka ng tamang pag-iisip? Gamitin mo. Hindi ka magsisisi. Nang sa ganon, sa mga susunod pang pagkakataon, alam mong handa ka na. Alam mo na ang susunod mong mga gagawin. Katoto, kahit kailan man, hindi nangyaring puso lang ang ginamit sa pagmamahal. MAG ISIP-ISIP KA.

 
-Jed

With you

I am blessed. I am so much more than happy. So much more than needed, So much more than loved. So much more than anything. With you is were I wanna be.. Where I am happy. With you, and only with you. I love you. 

They don’t know about us.

People say we shouldn’t be together too young to know about forever. But I say they don’t know what they’re talk talk talking about. This love is only getting stronger so I don’t wanna wait any longer I just wanna tell the world that you’re mine girl. They don’t know about the things we do, they don’t know about the “I love you’s” but I bet you if they only knew they would just be jealous of us. They don’t about the up all nights, they don’t know I’ve waited all my life. Just to fell inlove that feels this right. Baby don’t about they don’t know about us. :)

Once upon a time

I fell in love with Cheska and it didnt ended cause I kept going back to once upon a time. :)

Kulang..

Madami akong pag kukulang sayo simpleng bagay na alam ko mag papasaya sayo di ko magawa. Kasi duwag ako. Mahal naman talaga kita eh. Duwag lang ako.